"Ganito yun," simula niya. "Nasa set kami sa Subic. Alam ng lahat na bawal ang mag-video lalo na kung hindi pa umeere ang episode. Nakita ko siyang [yung lalake sa YouTube] kumukuha ng video at biniro ko ng ‘Kuya, nagbi-video kayo, bawal ‘yan.' Ang sagot ba naman, ‘Bakit, ikaw ba ang bini-video ko?' Pakialam ko raw. Pabalang ang sagot at nagulat ako, nagkasagutan kaming dalawa.
"Tinanong ko kung staff siya. Taga-processing daw siya. Nagulat ako, bakit ganun ang reaction niya sa akin. Kahit payat at maliit ako, hindi ako papayag apihin. CaviteƱa ako, lalaban ako! Walang nang-aapi sa akin!" lahad ni Marian.
Sinagot din nya ang paratang na sya ang paulit ulit na sumasampal sa lalake sa youtube video kahit hindi naman ipinakita ang totoong mukha ng may-ari ng kamay.
"Wala akong sinampal, wala akong sinaktan," mariing sabi ni Marian. "Ni hindi ko nga siya hinawakan, nagkasagutan lang kami. Inawat na kami ng staff. Dapat hinamon ko na lang siya ng suntukan!"
Feeling ba niya frame-up ang nangyari? Bakit may nag-video ng nangyari at bakit edited?
"Bahala na sila," sabi niya. "Ang importante sa akin, hindi ako nag-power trip. Okey lang siraan at pintasan nila ako, tanggap ko lahat na kaparte ng trabaho ko ito. Dapat masanay na ako, dahil lahat na lang ng kilos ko... Tinatanong ko lang ang manager ko [Popoy Caritativo], kung bakit ayaw akong tantanan. Ganun din ang sinasabi niya, na bahagi ito ng showbiz at kailangan kong masanay."
Ang hindi raw ipinakita sa video ay ang nangyari kinabukasan—ang pagbabalik ng lalake sa set at kinausap si Marian.
"The next day, bumalik siya, nagkaayos kami at nagkapaliwanagan kami. Alam ko sa sarili ko na ipinagtanggol ko lang ang sarili ko, dahil binastos ako. Mali ba ang ginawa ko?" balik tanong ni Marian.
No comments:
Post a Comment