Paano nga ba haharapin ng dalawang laking probinsya ang mabilis at magulong buhay sa siyudad, lalo na ngayong sikat na sila? Mabibigyang katuparan pa kaya nila ang mga pangarap para sa kanya-kanyang pamilya lalo pa't over-over na ang pagka-busy nila? Iyan ang malalaman ng bayan sa "Melason in Da City," ang bagong realiserye nina Melisa Cantiveros at Jason Francisco na magpapatawa at magpapakilig sa buong pamilya.
Starting today, April 5 at 10 a.m., muling masusundan ng bayan ang buhay ng magkasintahang Melai at Jason o "Melason" mula Lunes hanggang Biyernes habang sabay nilang inaabot ang kanilang mga pangarap kasabay ng pag-aadjust sa buhay Maynila. Si Melai kailangan ng pampagamot sa amang may sakit, samantalang gusto naman ni Jason ipagpatayo ng bahay ang pamilya.
Unang minahal ng tao ang tambalang Melason sa "Pinoy Big Brother Double Up" kung saan umusbong ang pagtitinginan ng Inday Kengkay ng General Santos City na si Melai at ang Boy Astig ng Mindoro na si Jason.
Sa "Melason In Love" naman, kung saan sinubukan ng mga kasabwat ang kanilang pagmamahalan, napatunayan nila ang tatag ng samahan nila. Dito rin unang nakita ang pagsabak nila sa showbiz mula TV guestings, presscons, hanggang maging cast ng "Impostor" at "Kokey@Ako."
Buong mundo sumunod sa kanilang love story dahil maging sa Internet ay may eksklusibong mga video nila ang napapanood sa http://tfcnow.abs-cbn.com/ at http://www.iwantv.com.ph/. Walang duda na sila nga ang tunay na "Prinsesa at Prinsipe ng Masa."
At sa "Melason in Da City" patuloy silang mapapalapit sa publiko sa telebisyon man o sa Internet sa kanilang paghanap ng puwesto nila sa "real world." Ngayon araw na ito, April 5, samahan sina Melai at Jason sa paghahanap ng tirahan dito sa Maynila. Saksihan ang kakulitang dala ng dalawa sa kanilang mga posibleng landlord o landlady. Magaganap na rin ang muling pagsubok ng mag-sweetypie na makapag-malling matapos dumugin noong unang mall date nila.
Wala nang sabwatan ang magaganap sa bago nilang programa kaya’t nakasalalay na lang sa dalawa ang kanilang kapalaran. "Sobrang happy kasi hindi mahirap. Walang script. Masaya lang," ani Melai sa bago nilang programa.
Si Jason naman ay lalong ginaganahang magtrabaho. "May kakayahan pala akong kumita. Pinaghihirapan ko. Akala ko, hindi ko magagawa, pero may pag-asa pala."
Muling abangan ang sabay na pag-abot sa kanilang mga pangarap nina Melai at Jason sa “Melason in Da City,” simula ngayong Lunes, April5, 10 a.m. sa ABS-CBN. Abangan din ang replay sa Studio 23, Lunes hanggang Biyernes ng 6:30pm.
No comments:
Post a Comment