.::.

Saturday, June 26, 2010

Brillante Mendoza Speaks About His "Breach of Trust" Issue with Coco Martin on 'The Bottomline'

Babasagin na ang katahimikan ng award-winning and famous indie film Director na si Brillante "Dante" Mendoza ngayong Sabado on 'The Bottomline with Boy Abunda.'

From a simple production designer at art director noong dekada 80, ngayon ay isa nang tanyag na independent film director si Dante. Taong 2005 nang magstart umingay ng todo ang kanyang pangalan sa apat na sulok ng showbiz dahil sa mga movies niyang "Masahista", "Kaleldo", "Tirador" at "Serbis", until manalo bilang "Best Director" sa Cannes Film Festival para sa pelikulang "Kinatay".

Now that he earned a name in the film industry, dumami din bigla ang mga matitinding intriga na ibinabato sa kanya. Ang kanyang obrang "Kinatay" ay binabatakos at maraming film critics ang nagsasabi na "the darkness of the film was not thematic", "Kinatay was the worst film ever screened in Cannes", at marami pang iba. Bilang direktor, ano ang masasabi niya sa mga binabatong mga kritisismo sa kanyang pelikula?

Marami na ring nakabanggang mga katrabaho si Dante. Ayon sa kanyang mga kasama at kaibigan, he is a victim of crab mentality at jealousy. Ano ang kanyang saloobin at damdamin sa mga taong pilit siyang binababa at sinisiraan? Gaano katotoo ang akusasyon na si Bing Lao, ang writer ng Kinatay, ang siyang direktor talaga ng "Kinatay"? At ano ang tunay na kuwento sa pagkakakalas ni Coco Martin sa kanyang poder? Totoo bang nagkaroon ng 'breach of trust' sa pagitan nilang dalawa dahil sa accidental frontal nudity ni Coco sa pelikulang "Serbis"? At ano ang kanyang masasabi na siya daw ang 'purveyor of poverty porn' sa Pilipinas?

Ang lahat ng mga madamdamin at matatapang na kasagutan ni Brilliante Mendoza ngayong Sabado sa The Bottomline with Boy Abunda, pagkatapos ng Banana Split.

No comments:

Post a Comment

Trendy Fashion Show | Privacy Policy Copyright @ 2011 - Theme by ASRock