After more than two years, magbabalik-television na ang Philippine showbiz' King of Romance/Drama na si Aga Muhlach sa newest romantic-comedy-drama series ng ABS-CBN na "Malay Mo Ma-develop" or M3 na magsisimula nang mapanood on July 3. Aga will be paired for the first time sa Queen of Comedy na si Ai Ai delas Alas.
Tampok sa Malay Mo Ma-develop ang kakaibang story ng kakaibang friendship ni JM Benicio III (played by Aga) and Kring-Kring (portrayed by Ai Ai) na punong-puno ng romance, drama at comedy and even life lessons na kukurot sa puso ng bawat Kapamilyang Pilipino.
Gagampanan ni Aga sa M3 ang karakter ni JM Benicio III--isang goodlooking, hardworking at successful real estate developer na certified bachelor pa rin at the age of 38.
"Lolo's boy" si JM na pagdating sa love life ay takot sa commitment. Si Ai Ai naman ay ang jologs na si Kring-Kring—ang "krung-krung" sa buhay ni JM na single mother na willing gawin kahit anong raket para bigyan ng mas magandang buhay ang anak na si Marcus.
Sa pagkukrus ng landas ng eligible bachelor na si JM at ng single mother na si Kring-Kring, will they become worst enemies or is there a chance na maging BFF (Best Friends Forever) and eventually ma-develop it into something special?
Just like their roles on M3, marami ring kailangang -discover ang mga manonood sa bagong comedy na hatid ng bagong tandem nina Aga at Ai Ai. Makikipagsabayan ba si Aga sa mga kakulitan ni Ai Ai? O mapapatameme lang ba si Ai Ai ng irresistible charm ni Aga?
Kasama sina Megan Young, Jojo Alejar, NiƱa Jose, Jairus Aquino, Mika dela Cruz at Noel Trinidad, M3 is under the direction of award-winning director Jeffrey Jeturian.
Huwag palampasin ang pilot episode ng Malay Mo Ma-develop on July 3, Saturday after MMK.
No comments:
Post a Comment