.::.

Saturday, June 26, 2010

Luis Manzano and Billy Crawford Reunite in ABS-CBN's "Panahon Ko 'To! Ang Game Show ng Buhay Ko'

Sinong show ang nagpasikat ng linyang "Kaya ikaw John, magsumikap ka!"? Anong song ng JoBoxers ang sumikat noong '80s? Sino ang kasama nina Red One, Green Two, Blue Three, at Yellow Four sa BioMan?

Iyan ang klase ng mga tanong na magbabalik sa mga alaala sa iyong buhay starting Monday , Hunyo 28, sa "Panahon Ko ‘To! Ang Game Show ng Buhay Ko," (PKT) ang newest program mula sa game show capital ng Pilipinas, ang ABS-CBN.

Kakaibang saya ang ihahatid ng "PKT," especially sa mga mahilig mag-reminisce kasama ang pamilya o barkada. Ayon sa hosts nito na sina Luis Manzano at Billy Crawford, bawat tanong dito ay may kaakibat na alaala para sa mga studio players at televiwers.

"Tayong mga Pilipino mahilig mag-reminisce at sa "PKT" itong mga karanasan at alaala natin ang magiging susi sa laban kasi ang mga tanong sa show tungkol sa mga bagay, tao, lugar, musika, pelikula, o ideya nitong huling limang dekada," paliwanag ni Luis.

Kaya naman bawat grupong maglalaro ay may representative sa bawat generation, isang age 13-19, isang 20-45, at isang 46 pataas. Bawat isa sa kanila ay sasagot sa mga tanong o puzzle tungkol sa kani-kanilang henerasyon.

Sigurado naman si Billy na tatangkilikin din ang "Panahon Ko 'To! Ang Game Show ng Buhay Ko" gaya ng "Pilipinas Got Talent," kung saan unang napanood ang makulit at nakakatuwang tambalan nila ni Luis bilang mga host.

"Kahit saan ka pang henerasyon galing, mag-eenjoy ka sa "PKT." Kasi bukod sa maaalala mo yung mga bagay nung panahon mo, matutunan mo rin ‘yung uso nung panahon ng tatay o lolo mo. So parang bonding na rin ‘yung panonood nito,"

Sa first episode ng "PKT," maglalaban ang mga Kapamilya stars na sina Tetchie Agbayani, Gladys Reyes, at John Manalo mula sa Team "Habang May Buhay," Beverly Salviejo, Nikki Valdez, at Makisig Morales ng Team "Magkano Ang Iyong Dangal," sina Nanette Inventor, Jay-R Siaboc at Josef Elizalde ng Team "Bulalak lang ng Agimat," sina Joy Viado, Rubi-Rubi, at Kiray mula sa Team "Kokey," at sina Dindo Arroyo, Yayo Aguila, at Queenie Padilla ng Team "Impostor na Momay."

Makisaya kasama ang buong pamilya or barkada sa orihinal at nakaka-aliw na game show sa lahat ng panahon, ang "Panahon Ko 'To! Ang Game Show ng Buhay Ko" mula Lunes hanggang Biyernes ng 5pm, pagkatapos ng "Banana Split Daily Servings" sa ABS-CBN.

No comments:

Post a Comment

Trendy Fashion Show | Privacy Policy Copyright @ 2011 - Theme by ASRock