Kakaibang Piolo Pascual ang makikilala sa pinaka-aabangang fantaserye ng taon, ang 'Noah' sa ABS-CBN Primetime Bida.
Sa kanyang unang pagganap as Primo sa pelikulang 'Mila,' nag-open ito ng maraming opportunity sa career ng award-winning actor.
In 2002, tinanggap ni Piolo ang eight Best Supporting Actor awards (grandslam feat) mula sa iba-ibang award-giving bodies sa kanyang natural na acting as Eliazar Bartolome sa 'Dekada ‘70' kasama sina Vilma Santos at Christopher de Leon. Ang kanyang outstanding portrayal sa Lobo made a way para tanghalin siyang Best Actor sa 22nd PMPC Star Awards For Television noong 2008. And last year, gumanap si Piolo bilang William sa indie film na 'Manila' na tungkol sa isang drug addict na gustong pagsama-samahin ang kanyang mga mahal sa buhay.
Piolo's talent does not end in front of the camera, dahil nakapag-produce na rin sya ng ilang movies tulad ng hit comedy film na 'Kimmy Dora'.
Aside from acting, soulful singer si Piolo. ini-launch ang kanyang first album titled 'My Gift' last 2003 at sinundan pa ito ng series of concerts at ilan pang albums na sinuportahan naman ng kanyang mga fans. He is also a mainstay of ASAP XV kung saan ipinapakita nya ang kanyang singing at hosting talent. ini-released na rin ang kanyang 6th album under Star Records na "Decades: Songs from 50s, 60s and 70s".
Sa TV, buong husay siyang gumanap bilang Oslec (Mangarap Ka), Adrian (Sa Piling Mo), Noah (Lobo) at Carlo (Lovers in Paris).
And sa 'Noah,' Piolo will play the character of 'Mikael', isang pulis na mawawalay sa kanyang anak dahil sa isang aksidente. Makakasama niya rin dito si Zaijan Jaranilla, ang child wonder na mas kilala bilang Santino. From an angelic boy in May Bukas Pa, isang naiibang karakter naman ang kanyang gagampanan bilang isang batang lumaki sa gubat.
Ang theme song ng pinaka-aabangang fantaserye na pinamagatang "Kahit Malayo Ka" ay kinanta mismo ni Piolo at sinulat ng kilalang singer-composer na si Ogie Alcacid.
Magbabalik na nga ang ultimate leading man ng lahat sa primetime, abangan sa 'Noah', malapit na malapit na sa ABS-CBN.
No comments:
Post a Comment