In his Bandera column today, Jobert Sucaldito, the same person who initiated the Willie Revillame - ABS-CBN rift, once again commented on the behavior that Willie is currently showing on his Willing Willie show on TV5.
Jobert wrote about Willie's harshness when the latter smashed the birthday cake on the face of WW.Girls dancer Lovely when she celebrated her birthday on the show. He also wrote how Willie rudely dumped his long-time girlfriend Nadine Ignacio infavor of his Willing Willie co-host Shalani Soledad.
Read the full write-up of Jobert below:
Female Dancer Binastos, Ipinahiya Ni Willie!(Sey daw ng mga nakapanood sa Willing Willie…)ni Jobert Sucaldito, BanderaI don’t watch Willie Revillame’s show actually, honest to God! You know naman why, di ba? Alangan namang magpakaplastik pa ako sa inyo – natural na hindi ko panonoorin ang show niya – para ano? Ha-hahaha!Anyway, a friend of mine from the States sent me an e-mail tungkol sa napanood niyang episode kung saan may nag-birthday daw na isang female dancer si Willie.“Kapamilya talaga ako, palagi lang akong nakatutok sa mga shows ng Dos kaya lang, hindi ko type ang Noah kaya lumipat ako sa TV5. Kapal talaga ng mukha ng Willie na iyan. Nag-birthday yung isang dancer niya. Imagine, sinalpak niya ang cake sa mukha ng babae. Kahit sabihin pang biro iyon, hindi magandang tingnan, di ba?“How ungentleman of him! Wala talaga siyang modo, akala niya magandang tingnan at nakakatawa yung ginawa niya? Ang bastos!” ayon sa kanyang e-mail.Kahit hindi ko napanood ang episode na iyon, I feel na in bad taste nga naman kung totoong ginawa ‘yan ni Willie. Kawawa naman ang girl para salpakan mo ng cake sa mukha.Hindi na lang sana siya nag-birthday sa show para hindi siya nabastos nang ganoon. Para kay Willie siguro cute ang ginawa niya, pero sa ibang tao, hindi maganda ang ganu’ng biro.Kasi nga, napakarami niyang nabobolang matatanda at kiyemeng sumusuporta sa kanya kaya akala niya, sikat na sikat pa rin siya. Ewan ko ba sa mga matatandang ito, naniniwalang si Willie ang magbabago ng buhay nila. Hindi nila alam na gamit na gamit sila sa show. Pinaniniwala sila ni Willie na siya ang emissary ng langit para tumulong sa kanila gayong hindi naman talaga. Kaloka!May nag-e-mail naman sa akin na tatlong girls na galit na galit naman kay Willie dahil sa pakikipag-break daw nito kay Nadine, ito yung girlfriend niya noon na estudyante, remember?“May naka-post pang photo nila ni Nadine na magkasama pa sa trade launch ng TV5 noong October at sweet pa sila. Ngayong pumasok na sa eksena itong si Shalani Soledad ay bigla niyang hiniwalayan si Nadine. Anong klaseng lalaki ‘yan? Pinaglalaruan lang ba niya ang mga babae?” anang galit na galit na e-mail sender namin.Feeling ko, kaibigan nu’ng Nadine ang mga babaeng nag-e-mail as amin, pero hindi na lang ako nag-react sa akusasyon nila dahil wala pa akong nakukuhang ibang detalye about it. Pero isa lang ang masasabi ko rito, totoong marami pa rin ang imbiyerna kay Willie.“Nakakaloka ang kuwento tungkol sa dancer niyang si Aiko. Nang may makaaway itong isa pang dancer sa show nila, biglang tinanggal si Aiko sa show at binawi ang mga ibinigay niya du’n sa tao. Bakit? May relasyon ba sila? Kasi parang nagselos yata itong Aiko sa isang dancer ni Willie?” ang isang post naman na nabasa ko sa aking Facebook account.I wouldn’t know pa rin kung ano ang totoo tungkol diyan. I am not privy to Willie’s affairs. I don’t really care a bit. Hindi na naman bago sa pandinig natin ang kapilyuhan ni Willie sa girls, di ba? Ilang sexual harassment cases na ba ang isinampa laban sa kanya? Kaya kebs naman natin diyan.Hay naku, napakaraming kuwentong hindi maganda about Willie Revillame. Yung maraming press releases na pinalalabas nila about him na kesyo mabuti ang puso niya, na mabait siyang kaibigan, na matino siyang tao, etcetera, etcetera ay hindi ko talaga mapaniwalaan. Sa mga mata pa lang ni Willie ay basang-basa ko na ang nasa loob niya. My gosh naman!
Let's wait 'til Willie answers all of this accusations on his Willing Willie show tomorrow night. For sure, Giyera na naman ito!
No comments:
Post a Comment