Isang Guinness World Record ang pinaghahandaang makuha ng "Kapit Bisig Para sa Ilog Pasig" sa "Run for the Pasig River," ang nationwide fun run para sa benepisyo ng pitong taong kampanya para linisin ang Ilog Pasig, na gaganapin this October 10, 2010 (10.10.10).
One hundred twenty thousand (120,000) participants ang target ng "Run for the Pasig River" upang malampasan ang "Bay to Breakers" race ng Amerika na nakapag-record ng 110,000 runners noong 1988 para sa record ng pinakamaraming registered participants sa isang footrace sa kasaysayan ng mundo.
Una nang nag-organize ng race event ang KBPIP last November 2009, kung saan 23,000 Pinoy ang nag-participate sa Philippine International Marathon: A Run for the Pasig River. Pero ayon kay ABS-CBN Foundation Managing Director Gina Lopez, malaki ang chance ng KBPIP na mahigitan pa ito. "Sa tulong ng mga katuwang natin sa gobyerno, military, kapulisan, mga eskuwelahan, at mga pribadong kampanya, kaya natin gumawa ng bagong record basta’t tatakbo tayo gamit ang ating puso."
Dagdag naman ng race organizer na si Eric Imperio, kakaibang challenge ang haharapin ng mga participants ng "Run For the Pasig River." "Hindi talaga ito isang unahan kundi isang pakikibahagi sa kampanya para linisin ang mga ilog at katubigan sa bansa."
Tatlo ang starting point ng "Run for the Pasig River" — sa SM Mall of Asia para sa 3K race, CCP Complex para sa 5K, at sa Ayala Triangle para sa 10K race. Bawat runners na makakatapos sa race ay makakakuha ng bracelet na gawa mismo ng mga dating naninirahan sa tabi ng Ilog na ngayon ay nailipat na sa Calauan, Laguna.
Una nang nag-pledge ng support para sa naturang race ang Commission on Higher Education na nangako ng 80,000 runners at si Mike Velarde ng El Shaddai na nangako naman ng 15,000 participants.
"Ilog nating lahat ang ilog Pasig,responsibilidad nating lahat ito. Kung lahat tayo ganito ang nadarama para sa ilog, hindi imposibleng malinis natin ito," pagtatapos ni Lopez.
Sa loob ng isang taon, malaking pagbabago na ang naidulot ng KBPIP sa Estero de Paco na isang pangunahing tributaryo ng Ilog Pasig. Libu-libo na ring pamilya ang nailipat sa maayos at productive na community sa Calauan, Laguna mula sa kanilang masusukal na bahay sa tabi ng Ilog Pasig.
Para makibahagi sa "Run for the Pasig River," bisitahin ang www.101010runforpasigriver.com.
No comments:
Post a Comment