Handog ng Cinema One, ang nagungunang cable channel sa bansa, ang exclusive Philippine TV premiere ng isa sa mga blockbuster movies last year - ang In My Life, starring the Star for All Seasons Vilma Santos, John Lloyd Cruz and Luis Manzano. Mapapanood ang In My Life sa "Blockbuster Sundays" ng Cinema One on July 18, 8pm.
Kwento tungkol sa pamilya, pagkakaibigan, pag-ibig at pagtanggap, tampok sa In My Life ang buhay nina Shirley (Vilma), Mark (Luis) at Noel (John Lloyd). Sa hangaring iwasan ang mga problema sa Pilipinas, nag-decide si Shirley na lumipad patungong New York upang magbakasyon kasama ang anak na si Mark at ang boyfriend nitong si Noel. Kasama ang dalawa, maraming matutuklasan ni Shirley—sa Amerika, sa lipunan, sa mga relasyon, sa kanyang mga anak, kay Noel at sa mismong sarili.
Under the direction of Olivia Lamasan, ang In My Life ay ang natatanging pagbabalik-pelikula ni Vilma Santos after ang pitong taong pahinga. Higit pa itong naging espesyal dahil sa kauna-unahang pagkakataon, nakasama niya ang Box Office King na si John Lloyd at ang panganay na anak na si Luis.
Dahil sa kakaibang istorya at mahusay na pagganap ng cast, isa ang In My Life sa mga most-awarded films noong 2009. Napanalunan nito ang mga kategoryang Best Actress, Best Actor, Best Supporting Actor, Best Director at Best Picture mula sa iba’t ibang award-giving bodies. Nakatanggap ang In My Life ng limang awards mula sa 8th Gawad Tanglaw, pito sa 26th PMPC Star Awards for Movies, at tatlo sa 41st Guillermo Mendoza Memorial Awards.
Sa pamamagitan ng In My Life, naparangalan si Ate Vi bilang Best Actress ng Gawad Tanglaw, Gawad Suri, PMPC Star Awards, 41st GMMA, at 1st MTRCB Film Awards. Si John Lloyd naman ay ginawarang Best Actor ng 41st GMMA, 26th PMPC Star Awards, Gawad PASADO, 8th Gawad Tanglaw at 1st MTRCB Awards. At dahil sa In My Life, natanggap naman ni Luis ang mga una niyang acting awards kabilang ang Star Awards’ Best Movie Supporting Actor of the Year; GAWAD Tanglaw’s Best Supporting Actor 2010 at ang 41st GMMA’s Film Actor of the Year.
Ngunit bukod sa mga awards, umani rin ng papuri ang In My Life sa mga manonood at film critics, isa na dito ang kilalang opinion columnist ng The Philippine Daily Inquirer at film critic na si Nestor Torre. Ayon kay Torrre, "In My Life is still the most empathetic mainstream production we’ve seen this year, thanks to its leads’ sensitive portrayals and the relative fluidity and topicality of Lamasan’s storytelling. Finally, the film is a personal triumph for Vilma Santos, whose feisty and committed performance proves that, in her mid-50s, she’s at the peak of her artistry. At a time when teleserye overacting has compromised the work of many veteran stars, Vilma shows the way back to passionate, principled excellence."
Tuklasin kung paano nagawang turuang ng dalawang lalaki ang isang babae na mabuhay muli at mahalin ang buhay. Huwag palampasin ang ekslusibong Philippine TV premiere of In My Life sa July 18, Linggo, sa “Blockbuster Sundays” ng Cinema One Sky Cable channel 56.
Ang Cinema One ay mapapanood sa SkyCable Gold, SkyCable Silver at iba pang quality cable operators nationwide. Ang Cinema One ay pagmamay-ari ng Creative Programs, Inc., at distributed nationwide ng Power Bundle. Ang Creative Programs, Inc. ay isang subsidiary ng ABS-CBN.
No comments:
Post a Comment